23. Ako Si Darna
Mabilis na maitatakbo ni Darna ang naghihingalong si Brian sa pagamutan. Sa kanyang pagkataranta ay hindi na niya maitatago pa ang nararamdamang kaba para sa maaring kahinatnan ng binata. Hindi rin niya alintana na pinagkakaguluhan na siya ng mga usisero na nabighani sa kanyang ganda. Sa wakas ay ipapaalam na rin niya sa lahat na siya si Darna. Agad ding tutungo si Regina at makakasagutan si Zaldy na tutungo rin doon upang ipagpatuloy ang paggamit kay Brian upang pagandahin ang kanyang imahe sa madla. Lalabas muli si Master Claudio na ang totoong pangalan ay Hergis upang sundan si Xandra at makipagtuos dito upang palitan siya bilang kanang-kamay ni Borgo. Darating si Borgo at habang sila ay naglalaban at sasaksakin siya nito. Hindi naman nito mawawakasan ang kanyang buhay at aaminin na kilala niya ang bagong tagapangalaga ng bato. Hahabulin siya ng dalawa ngunit makakatakas siya bagamat sugatan. Ibabaling niya ang galit sa dalawa matapos malaman na pinatay pala nila ang kanyang anak. #AkoSiDarna
Hindi rin matalino itong si Borgo, ano? Maganda yan dahil magkagaya sila ni Darna na tila ba nangangapa sa pagkatao ng isa’t-isa. Ang tanong ko naman ngayon ay ano naman kaya ang maaring gawin ni Hergis? Mukhang pinalad si Joko Diaz sa papel na ito at napahaba pa lalo ang kanyang pagganap. Hindi naman na siya pagkakatiwalaan nila Narda dahil nagtaksil na siya sa mga ito. Gayunpaman, maari pa rin naman siyang manggaya ng anyo upang mapalapit muli sa kanila. Maari rin naman siyang maging kakamping kaaway na maganda rin ang kalalabasan dahil tatlong pangkat na ang magkakatunggali. Hintayin natin kung ano kahihinatnan ng kaganapang ito. Hindi naman ako bilib sa ginagawa ni Regina na pagpapatalo kay Zaldy. Hindi ka mananalo kung puso ang paiiralin mo, Regina. Utak dapat. Utak. Kahit maari mo namang tuklawin na lang si Zaldy upang mawala na siya ng tuluyan, hindi na ganoon ang laban sa panahon ngayon. Siraan na po ng pangalan ang uso ngayon, kaya matuto kang paghusayan ang laro. #AkoSiDarna
23. Ako Si Darna
Darna manages to rush almost-dead Brian to the hospital immediately. Panicking, she no longer hides the intense worry she feels for whatever might to the young man. She also doesn’t notice anymore how the people around her have gone wild and captivated by her beauty. She finally announces to everyone that she is Darna. Regina also heads straight to the hospital and gets in a heated argument with Zaldy, who also goes there to keep on riding on Brian’s coattails in order to further endear his image to the masses. Master Claudio, whose real name is revealed to be Hergis, resurfaces and trails Xandra, whom he fights in an effort to replace her as General Borgo’s right-hand man. The general arrives and stabs him while they are engaged in a melee. He does not end his life and he admits that he knows who the new protector of the stone is. The two pursue him but he escapes, albeit injured. He focuses his wrath on the two after discovering that they killed his child. #AkoSiDarna
Borgo is not that wise, is he? That’s good because at least he and Darna both seem to be in the dark as far as their own identities are concerned. My question now is what could Hergis possibly do? It seems like Joko Diaz got lucky with this role now that his portrayal has been extended. Narda and company no longer trust him because he already betrayed them. Even so, he can still shapeshift to be closer to them again. He can also turn out to be a frenemy, which would also be a good take because that means three groups will be at odds with each other. Let’s just wait and see how all of these will end up. As for Regina, I am not really impressed by her letting Zaldy defeat her so easily. You won’t win by listening to your heart, Regina. Brains. It should be the brains. Even if you can just easily bite Zaldy while in Valentina form just to get it over with, battles nowadays are no longer won that way. Destroying names is now the name of the game, so learn to adapt and be good at your game. #AkoSiDarna
“Kapag mahal siya ng tao, hindi lamang bayani ang tingin sa kanya kundi isang diyos. Kilala ko si Zora. Alam ko kung paano siya labanan. Pero ang isang ito, hindi ko kilala.” –Borgo
0 creature(s) gave a damn:
Post a Comment