32. Darna False Hero
Matapos patayin ng babaeng ahas ang ilan sa mga bilanggong nakatakas ay takot naman ang mararamdaman ng iba at kusang susuko dahil dito. Si Vince din ay magpapasya na sumuko subalit kay Darna lamang, na siya namang ikaiinis ni Regina na hindi mapipigilan ang pagpapalit anyo bilang Valentina sa huli. Isang clone ni Vince ang makikipagkita at makikipag-usap kay Darna subalit habang pasuko na ito ay biglang matutunton ni Valentina ang tunay na Vince, lilingkisin ito at tutuklawin hanggang sa mamatay. Galit ang mararamdaman ni Narda ukol dito gaya ni Regina at susumpa ang dalawa na aalamin kung sino talaga ang babaeng ahas upang mabigyan ng katarungan ang kanyang mga pinatay. Iisa man ang galit nila sa babaeng ahas, magkakariningan pa rin ang magkaibigan dahil sa inis din na nararamdaman ni Regina kay Darna na hindi niya alam ay si Narda naman talaga. Samantala, isang Extra na naman ang magpaparamdam, sa pagkakataong ito isang lalaki na may kakayahang gumamit ng dagitab bilang sandata. #DarnaFalseHero
Akala ko pa naman ay magkakasagupa na sa wakas ang babaeng lumilipad at ang babaeng ahas. Nasa iisang pook lamang ang dalawa ngunit talagang hindi pa rin sila nagkita? Mukhang ito rin ang hinahangad ng mga manonood dahil nais naming makaranas ng malalang bakbakan. Ang ibig nating sabihin sa bakbakan ay iyong away talaga na may sapakan at fight choreography, hindi CGI. May mangilan-ngilan din nito noong andito pa si Iza Calzado subalit sa ngayon ay kumunti na lalo kaya hindi na rin kapana-panabik. Ano man ang puna na maari kong ibato sa special effects, hindi ko naman itatago ang aking paghanga sa akda ng mga manunulat. Malinaw naman ang aral na nais nilang iparating sa mga manonood. Si Valentina ang sagisag ng katarungan sa pamamagitan ng dahas habang si Darna naman ay sumasalamin sa pagsunod sa pamamaraang iginagalang ang batas. Hindi lamang sila bida at kontrabida na nagsasalpukan, bagkus dalawang kaisipang panlipunan na matagal nang pinagtataluhan mula pa noong kapanganakan ng kabihasnan. #DarnaFalseHero
32. Darna False Hero
After the snake woman murders several of the inmates who broke free, fear overcomes them and the rest decide to surrender because of it. Vince also makes his mind to give himself up, but only to Darna, which further flames Regina’s ire leading to her involuntary transformation to Valentina later on. It is one of Vince’s clones that end up meeting Darna and talking to her, but as he is about to surrender, Valentina manages to track the real Vince, restrict him through her snakes, and bite him to death. This, in turn, sparks anger in both Narda and Regina and the two swear to find out who the snake woman truly is in order to give justice to her victims. Although united in their chagrin against the snake woman, the two friends still end up at loggerheads with one another due to Regina’s annoyance towards Darna, not knowing that she and Narda are one and the same. Meanwhile, another Extra comes to fore, this time a guy who has the ability to use electricity as a weapon. #DarnaFalseHero
I honestly believed that the flying woman and the snake woman would finally be squaring off with one another. They were just in one place and yet they really didn’t get tom meet? This also seems to be the beef to be had by most viewers because we are itching to witness an epic fight scene. By fight scene we mean an actual physical battle with fight choreography, not CGI. There were several of these when Iza Calzado was still around but now those scenes have dwindled, which is causing this boredom. Whatever critique I might have for the special effects, I cannot really deny my admiration for this work the writers have come up with. The lesson they are trying to impart to the viewers is clear. Valentina symbolizes vigilante justice while Darna simply stands for trusting the justice system. The two of them are not just hero and villain at odds with each other, but rather two social ideologies that have long been debated upon since the dawn of civilization. #DarnaFalseHero
“Tayo ang nagdedesisyon kung ano ang tatakbuhin ng ating buhay. Lahat ng mga desisyong ito ang bumubuo sa tadhana natin. At pwede nating baguhin ito dahil mga tao tayo. May kakayahan tayong pumili. Mula sa pagkakakulong pwede kang maging malaya. Mula sa kasamaan pwede mong piliin and kabutihan. Magagawa mo yun habang buhay ka pa pero paano kung tinanggalan ka ng karapatang pumili dahil tinanggalan ka ng karapatang mabuhay?” –Narda
0 creature(s) gave a damn:
Post a Comment