Monday, October 31, 2022

Darna: Episode 56


56. Rescue Me
Sa tulong ni Ding ay matutunton ni Narda kung nasaan ang kinalalagyan ni Brian. Lilipad ito doon bilang Darna ngunit magbabalik sa katauhan ni Narda pagbukas niya ng pinto upang palayain si Brian. Agad na magtutungo ang dalawa sa bahay ng huli upang maghanap ng mga kasagutan at doon nila mapapansin ang kakaibang salamin kung saan hindi matanaw ni Brian ang sarili. Agad-agad bibitbitin ng dalawa ang salamin at magtutungo sa bahay na binili ng kambal ni Brian kung saan niya itinatago si Regina. Gigil na gigil naman ang mga ahas ni Regina dahil sa pag-amin ng Brian na kasama nila na si Narda ang mahal ni Brian at ginamit lamang nila si Regina upang makakuha ng salapi sa kanyang ama. Nais man ni Regina na tapusin ang buhay ng Brian na ito bilang Valentina ay hindi niya magawa dahil ayaw pa nito sabihin sa kanya kung nasaan ang isang Brian. Magkakaharap harap ang dalawang Brian kasama si Narda pagdating ng mga ito sa bahay habang ang bagong layang Brian ay hinahabol ng mga pulis. #DarnaRescueMe


Heto na naman tayo. Malaking panghihinayang talaga ang aking nadarama sa bawat pagkakataon na lang na ipinakikita nila ang mga malikhaing pagguhit sa mga balak ni Borgo. Ang ganda ganda kasi ng pagkakaguhit sa mga ito at talaga namang makikita mo ang nais sanang ibahagi ng kung sinuman ang gumuhit. Tapos biglang makikita mo si Borgo na mukhang tanga ang pagkakagawa na mukhang Power Rangers. Tapos si Valentina pa na matatawa ka na lang talaga sa mga ahas. Mapapaisip ka na lang tuloy. Ano kaya ang kinahinatnan kung sa pinilakang tabing ito ipinalabas gaya ng una nilang balak. Malamang ay natutukan nila maigi at napanindigan ang lahat. Gayunpaman, andito na tayo. Mainam din naman na gamitin nila si Brian upang patindihin pa lalo ang pagyakap ni Regina kay Valentina. Sa pagtataksil na ito ay nabigyan din nila ng pagkakataon na maipakita ang galing ni Garcia sa pagganap sa dalawang magkaibang bahagi ng iisang tao. #DarnaRescueMe


56. Rescue Me
With Ding’s help, Narda is able to track Brian’s whereabouts. She flies there as Darna but changes back to Narda as she opens the door to set Brian free. The two immediately head back to the latter’s house to look for answers and they notice the strange mirror that does not reflect Brian’s image. The two bring the mirror with them as they head to the house that Brian’s evil twin bought and where he is keeping Regina hostage. Regina’s snakes are agit as the Brian they are with confess that the other Brian’s true love is Narda while he, on the other hand, is just using Regina to extort money from her father. Even though Regina would love to end this Brian’s life as Valentina, she just can’t get herself to do it because he just won’t tell her where the other Brian is. The two Brians eventually face off along with Narda as the two arrive at the house while the police are hot in his pursuit. #DarnaRescueMe


Here we go again. What I feel is great disappointment each time they show us the creative illustrations that are Borgo’s plans. The drawings are really impressive and pretty and you can really see the vision that whoever created them had in mind. And then you see Borgo who looks like an idiot harking back to the 90's Power Rangers era while Valentina ends up as a laughingstock because of her snakes. It leads you to think, what would’ve happened if this ended up in the silver screen as it was originally intended to? Perhaps they could’ve focused more and given the material justice. Anyway, we’re already here. I appreciate their use of Brian as an avenue for Regina to further embrace Valentina. With this betrayal, Garcia’s acting skills have also been given enough opportunity to shine by portraying two sides of the same character. #DarnaRescueMe

“Mga bobong tao. Ginagawa nila ang trabaho ko para palabasin si Valentina.” –Rex

<<Episode 55                                   Episode 57>>

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Film Review

Book Review

Theater Review