78. Missed Friendship
Iba’t-iba ang pananaw ng mga taga Nueva Esperanza sa inamin ni Darna tungkol sa kaugnayan niya sa pinagmulan ng mga Extra. Salungat naman ang saloobin ni Lolo Rolando na sisisihin ang mga nakaupo dahil sila ang nagpasabog ng tibagan na naging sanhi ng pagkalat ng Krisalis. Sa pagkakabunyag na si Darna pala ang dahilan kung bakit siya nagiging babaeng ahas ay lalong iigting ang galit ni Regina dito. Magkatulad sila ni Narda na hindi makatulog dahil sa dami ng kanilang mga iniisip kaya naman magpapasya si Regina na magtungo sa bahay ng kaibigan upang magkaroon ng karamay. Makakatulog ang dalawa ng magkasama at gagaan ang kanilang mga kalooban. Ikatutuwa man ni Ali ang magandang dulot ng pagkakaibigan nila Regina at Narda, agad agad naman itong kikilabutin muli sapagkat gagamitin ni Regina ang bagong lakas upang maghasik muli ng lagim. Dalawang magkasintahan ang kanyang papaslangin bago magtangkang pumatay ulit. Magkakaharap sila ni Darna at maiisahan niya ito. #DarnaMissedFriendship