100. Xtra New Year
Magdiriwang ng Pasko at Bagong Taon ang mga mamamayan ng Nueva Esperanza na may takot pa rin kahit paano dahil maari silang salakayin ng mga Extra. Gayunpaman, masaya pa rin ang lahat at hindi alintana ang kaba lalo pa’t nakikita nila si Darna na lumilipad at nagmamatyag upang ipaglaban sila. Sasariwain ng mga ito ang kanilang mga alaala ng mga nagdaang panahon lalo na ang mga pagkakataon na sila ay nailigtas o tinulungan ni Darna. Aalalahanin din nila ang mga pangyayari sa kanilang bayan mula sa pinag-ugatan ng lahat na pagsabog ng tibagan at pagkalat ng Krisalis hanggang sa pagdating ng iba’t-ibang mga Extra na nanggulo sa Nueva Esperanza. Tila wala namang balak si Valentina o sino man na Extra na sumalakay kaya masayang maidaraos ng mga taong-bayan ang kanilang mga pagdiriwang. Sa huli ay ibibigay ni Lolo Rolando ang kanyang ginawang paputok na pagsabog ay nagpapakita ng pula at dilaw na ilaw na bumubuo ng sagisag ni Darna. #DarnaXtraNewYear