Friday, December 30, 2022

Darna: Episode 100

 
100. Xtra New Year
Magdiriwang ng Pasko at Bagong Taon ang mga mamamayan ng Nueva Esperanza na may takot pa rin kahit paano dahil maari silang salakayin ng mga Extra. Gayunpaman, masaya pa rin ang lahat at hindi alintana ang kaba lalo pa’t nakikita nila si Darna na lumilipad at nagmamatyag upang ipaglaban sila. Sasariwain ng mga ito ang kanilang mga alaala ng mga nagdaang panahon lalo na ang mga pagkakataon na sila ay nailigtas o tinulungan ni Darna. Aalalahanin din nila ang mga pangyayari sa kanilang bayan mula sa pinag-ugatan ng lahat na pagsabog ng tibagan at pagkalat ng Krisalis hanggang sa pagdating ng iba’t-ibang mga Extra na nanggulo sa Nueva Esperanza. Tila wala namang balak si Valentina o sino man na Extra na sumalakay kaya masayang maidaraos ng mga taong-bayan ang kanilang mga pagdiriwang. Sa huli ay ibibigay ni Lolo Rolando ang kanyang ginawang paputok na pagsabog ay nagpapakita ng pula at dilaw na ilaw na bumubuo ng sagisag ni Darna. #DarnaXtraNewYear


Ito ang tinatawag natin na filler episode kung saan nagbabalik-tanaw lamang ang mga tauhan at sinasariwa ang kanilang mga alaala. Mabisa ang paggawa ng mga ganitong kabanata upang ipaalala sa mga manood kung ano na nga ba ang mga naganap sa mga naunang kabanata. Sa kabuuan, ito ay isang magandang paraan ng pagdiriwang hindi lamang ng Pasko at Bagong Taon kundi ng ika-isangdaang kabanata na rin ng palabas na ito. Oo, naka isangdaang kabanata na tayo kaya naman dapat ay ayusin na nila lalo ang mga kabanata at maghanda na sa pagtatapos dahil ang isang daang kabanata ay tila mahaba-haba na rin. Kung tutuusin, lampas tatlong buwan na rin iyan lumalabas. Limang buwan pala dahil hindi naman kasama sa bilang ang Sabado at Linggo. Sa mga pakita ng mga susunod na kabanata ay tila magiging Extra na nga si Brian. Hindi ko lang alam kung si Borgo ang may pakana gaya ng sabi niya o nililito lamang nila tayong lahat. #DarnaXtraNewYear


100. Xtra New Year
The townsfolk of Nueva Esperanza celebrate Christmas and New Year with some lingering fear in their hearts knowing they can be attacked by Extras anytime. Even then, everybody seems happy and not that worried considering how Darna is flying high above them and patrolling to defend them. They refresh their memories of past events when they were rescued or assisted by Darna. They also recall the events in their town from the root cause of everything which is the explosion of the quarry all the way to the spread of the Krisalis and the arrival of various Extras wreaking havoc in Nueva Esperanza. On the other hand, Valentina or any other Extra don’t seem to have any plans to attack which gives everyone a happy time with their celebrations. In the end, Lolo Rolando gives away the fireworks that he himself created which displays red and yellow pyrotechnics forming Darna’s insignia. #DarnaXtraNewYear


This is what we call a filler episode where everyone just takes a trip down memory lane to refresh their memories. Episodes like this are effective in giving the viewers a review of what transpired in the past episodes. All in all, this is also a good way of celebrating not just Christmas and New Year but also this show’s 100th episode. Yes, we have finally reached 100 episodes which is more reason for them to give us better episodes and prepare for the show’s ending. After all, 100 episodes, that’s a long stretch. Come to think of it, the show has been running for three months now. Sorry, I mean five months because we are not including Saturdays and Sundays in the count. In the preview of episodes to come, it seems like Brian will become an Extra. I just don’t know whether Borgo will be the mastermind once again like he says or whether they are just throwing us some red herrings. #DarnaXtraNewYear

"Hindi ko hahayaang sirain niyo ang pasko, Borgo at Valentina.” –Darna

<<Episode 99                                   Episode 101>>

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Film Review

Book Review

Theater Review